Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.
Girl power.

Una sa lahat, fanboy ako ng original. N'ung Grade 2 ako, nagdro-drawing ako ng Ghostbusters para sa mga kaklase ko for P5.00 per drawing.

Hindi ko maintindihan kung bakit andaming haters ng bagong Ghostbusters. Ito na yata ang most disliked video sa YouTube. Pero ano nga ba ang dahilan nila sa pag-dislike? Dahil ba ayaw nila ang all-female cast? O dahil ayaw nilang galawin ng Hollywood ang original franchise?

Itong 2016 Ghostbusters ay isang reboot ng original 1984 film ni Ivan Reitman, pero kahit hindi ka fan ng original film at ng sequel nito (at ng animated series) ay maa-appreciate mo naman ang efforts ni director Paul Feig at ng female ensemble cast. Hindi ito tulad ng mga Marvel reboot ng Spider-Man na ginawa dahil hindi sila nasiyahan sa unang trilogy ni Sam Raimi. Ito ay isang legitimate reboot na ang intention ay ipakilala ang Ghostbusters sa bagong henerasyon ng moviegoers.

At ipakilala ang Ecto-1 bilang proof na pwede maging cool ang karo ng patay. 

Ang ginawa ng filmmakers dito ay "transposition", isang bagong film theory na aking dine-develop at idi-discuss sa separate post. Ibig sabihin, hindi ito one-is-to-one adaptation ng original source material into a feminine mold. Allow me to explain.

Si Erin Gilbert (Kristen Wiig) ay hindi direct equivalent ni Peter Venkman, dahil hindi naman douchebag si Gilbert tulad ni Venkman. Ang pagkakapareho lang siguro nila ay pareho silang may Ph.D. at pareho silang malandi. Si Abigail Yates (Melissa McCarthy) ay hindi direct equivalent ni Ray Stantz, dahil si Yates ay medyo loud at si Stantz ay ang quiet type. Si Jillian Holtzmann (Kate McKinnon) ay hindi direct equivalent ni Egon Spengler, bagaman kapareho niya ang hairstyle ng cartoon version ni Egon. Si Spengler ay weird in a nerdy way, tulad ng pagkolekta niya ng spores, molds, and fungus, habang si Holtzmann ay super-weird-in-an-attractive-way na mahilig sa heavy machinery, at mas kenkoy kaysa sa medyo reserved na si Egon. Si Patty Tolman (Leslie Jones) ay hindi direct equivalent ni Winston Zeddmore, dahil sa original film, parang sidekick lang talaga si Winston at wala gaanong backstory, habang mas developed ang character ni Patty at mas major ang kaniyang interaction with the team. Ang pagkakapareho siguro nila ay they're both black and not scientists. At siyempre, si Kevin (Chris Hemsworth) ay hindi direct equivalent ni Janine Melnitz, kasi 'di hamak naman na mas matalino si Janine kaysa sa bobong eye-candy ni Hemsworth.

"Take that, critics!"

Ang mga pelikulang ganito ay nangangailangan ng isang solid antagonist, at hindi ito si Chris Hemsworth. Sinapian lamang siya ni Rowan (Neil Casey) na siyang main villain dito. Pero hindi gaanong effective ang villainy ni Rowan dahil ang character niya ay hindi talaga konektado sa grupo. Sa original movie, ang true villain ay ang metaphysical spirit na si Gozer, at ang kanyang manifestation ay si Zuul "the Gatekeeper" na sumapi kay Sigourney Weaver na love interest ni Peter Venkman. Mukhang mas effective sana ang pagkakaroon ng isang metaphysical villain kaysa sa isang flesh-and-blood human antagonist tulad ni Rowan, dahil ang pinakakalaban talaga ng Ghostbusters ay ang unknown evils of the spirit world.

Sa isang reboot, ang goal mo is to create new fans without alienating the old ones. At iyan ang dahilan kung bakit napakaraming references to the original, tulad ni Stay Puft Marshmallow Man at ni Slimer. Mayroon ring mga re-designed equipment ng mga proton packs at traps. At mayroon ding basbas ng original cast, dahil lahat sila, except for the late Harold Ramis at Rick Moranis, ay may speaking cameo sa pelikulang ito.

Bilang isang reboot, tagumpay ang pelikulang ito. Marami ang laugh-out-loud moments, at masayang movie experience siya para sa mga bago at lumang fans na lalabas sa sinehan na may Ghostbusters hangover. Bilang simula ng bagong franchise, ibang usapan na 'yun, pero mukhang malaki ang pag-asa ng sequel. Personally, gusto ko pa ng more Jillian Holtzmann.

Kate McKinnon: bagong girl-crush ng bayan.



Ghostbusters. USA. 2016.



Orihinal na rating: 8/10
Kristen Wiig: +0.1
Kate McKinnon: +0.2
Cameo ng original cast: +0.1
Charles Dance a.k.a. Tywin Lannister: +0.1
Cameo ni Ozzy Osbourne: +0.05
Pagsayaw ni Holtzmann ng "Rhythm of the Night": +0.05
Zach Woods ng Silicon Valley: +0.05
Matt Walsh ng Veep: +0.05
Michael Kenneth Williams a.k.a. Omar ng The Wire: +0.05
Final na rating: 8.75/10
"Parang out pa rin 'yang Chinese dress mo kahit sa Wonderland."

Para sa mga fans ng original literary work ni Lewis Carroll na Through the Looking Glass (And What Alice Found There), kalimutan niyo na – itong pelikulang ito ay hindi adaptation ng libro na 'yun.

In fact, bukod sa pamagat, ang pagkakapareho lang ng libro ni Carroll sa pelikulang ito ay si Humpty Dumpty. At ang mga chess pieces. At ang looking-glass insects. At ang pagpasok ni Alice sa salamin. Ayun lang. 'Yung malaking chess game? Waley. 'Yung sasakay si Alice sa tren? Waley din. The lion and the unicorn? Waley talaga. So ayun.

Isa sa mga problema ng franchise na ito ay na-condense na nila ang adaptation sa unang pelikula na Alice in Wonderland noong 2010. Halimbawa, ang tula na "Jabberwocky" ay nasa pangalawang libro, pero lumabas ang creature sa unang pelikula pa lang. Ganoon din sina Tweedledum at Tweedledee; wala sila sa unang libro, pero naroon na sila sa unang pelikula. So basically, sinira na nila ang narrative noong 2010 pa lang, kung kaya naman totally unrecognisable na ang kwento sa bagong pelikula.

So ano ang kwento nitong Alice Through the Looking Glass kung malayo na ito sa kwento ng libro? Well, since winalang-hiya na nila ang original source material, naisip siguro nila na might as well dalin na nila sa totally different direction ang pelikula. At ang direksyon na iyon ay... science fiction. Specifically, time travel. Labo, 'di ba?

So dito sa direct sequel ng 2010 film, you can tell a lot about the film base sa iisang character lang, at ito si Father Time (Sacha Baron Cohen). Una, si Father Time ay hindi naman character sa libro ni Lewis Carroll, which means they took the liberty na tumahak na sa totally different direction. Pangalawa, ang pagkakaroon ng isang time lord sa pelikulang ito ay ang cue na may time travelling na magaganap dito.

"BAKET ANLABO NG PELIKULANG 'TO?"

Ang orihinal na libro ay totally new adventure para kay Alice (Mia Wasikowska), dahil siya ay nasa totally ibang mundo, hindi na sa Wonderland. At dahil ibang mundo na ito, iba na rin ang cast of characters dito. Pero dahil nga binale-wala na ng filmmakers ang source material, hindi na rin sila tumahak ng panibagong direksyon at kumuha ng bagong cast, maliban kay Baron Cohen at Rhys Ifans bilang tatay ng Mad Hatter. Naroon pa rin ang Cheshire Cat (Stephen Fry), ang big-headed Red Queen (Helena Bonham Carter), ang hindi naman pala mabait na White Queen (Anne Hathaway), ang mga hayop sa Tea Party, at siyempre, ang Mad Hatter (Johnny Depp) na siyang pinag-basehan ng kwento ngayon.

Sa lahat ng mga adaptations ng Alice books ni Lewis Carroll, ito na marahil ang pinakatumaliwas sa source material. Ang genre ng literary nonsense ay natumpok ni Carroll, at sana ito na rin ang direksyon na tinahak ng filmmakers (ang direktor pala nito ay si James Bobin; si Tim Burton ay isa sa mga producer). Ang maganda sa mundo ni Alice ay ang pagiging dream-like nito, dahil ang mga scenario at pangyayari ay talagang non-sensical at malabo. Hindi naman kailangan ng back story ng Mad Hatter, at hindi na rin mahalaga na maintidihan natin ang history ng Red at White Queens. Pero siyempre, mas malaki ang box-office draw nina Depp at Hathaway, kaya kinakailangan lumabas sila muli sa sequel.

Ang isang dream o whimsical o surrealist work of art ay mukhang walang sense at structure at first glance. Pero sa in-depth analysis makikita na ang pagiging surreal nito ay grounded pa rin sa reality. Kaya nais ko lang i-raise ang dalawang point na ito: Una, ang steampunk motif ng mundo ni Father Time ay medyo hindi naangkop sa period kung saan naka-set ang pelikula, lalong-lalo na ang time-travelling unicycle ni Alice. Pangalawa, sa historical period na ito, hindi makatotohanan na ang kapitan ng isang barko ay babae. Sorry.

Medyo nakakabahala ang ginagawang ito ng Disney. Para silang nanloko ng mga manonood, tipong "false advertising" kumbaga. Ang dating ay parang nag-announce sila na "Hey, gagawa kami ng pelikula ng Through the Looking Glass!" Sa announcement pa lang na iyon, nakuha na nila ang market na 1) mga fans na nasiyahan sa unang film at gustong mapanood ang sequel para makita kung maa-adapt ito ng Disney nang tama; at 2) mga fans na hindi nasiyahan sa unang pelikula at gustong mapanood ang sequel para makita kung maa-adapt ito ng Disney nang tama. Either way, nagoyo tayo ng Disney, at may danger na abusuhin itong trend na ito sa paga-adapt ng mga works in the public domain. Huwag naman sana.

"Ayaw na namin ng Part Three!"



Alice Through the Looking Glass. USA. 2016.



Orihinal na rating: 5.5/10
Huling voice-over ni Alan Rickman: +0.1
Time travel: +0.1
Pagtaliwas sa original source material: -0.2
Walang Mia Wasikowska nudity: -0.1
Johnny Depp sa isa na namang weird role: -0.1
Sacha Baron Cohen: +0.1
Final na rating: 5.4/10



RIP Alan Rickman


Basahin ang review ng naunang Alice in Wonderland.
Nakita ko itong link na ito noong isang linggo, at tawang-tawa ako sa kalokohan ng netizens. Actually, n'ung ni-research ko kung saan ito nagsimula, mas natawa ako.

Noong March ng taong ito, naglabas ang United Kingdom ng bagong barkong pam-polar research, at nagsagawa sila ng poll para sa magiging pangalan ng barko. Siyempre, tinanong nila ang Internet, na isang malaking pagkakamali, dahil ang netizens ay maraming kalokohan.

Ang nanalong pangalan para sa barko ay "Boaty McBoatface", pero dahil nga tunog pa lang, kalokohan na, hindi sinunod ng British government ang gusto ng mga tao. Pinangalanan ang barko na RRS Sir David Attenborough, galing sa tanyag na naturalist na mas kilala bilang voice-over ng mga BBC documentary tulad ng Planet Earth.

Bilang pa-consuelo, pinangalanan naman ang isa sa mga research submarine ng barko na "Boaty", at natuto rin ang British government ng isang mahalagang lesson: Never let the Internet name things. Siyempre, hindi mapipigilan ang Internet na magbansag ng mga bagay-bagay, kaya nagkaroon na rin ng hashtag na #TheInternetNamesAnimals.

At dahil gusto ko makisakay sa bandwagon, kahit medyo late na, ito naman ang aking mga sariling pinangalanang mga hayop sa Pilipinas.

STAR MAP GALAXY FISH

SNUBNOSE McBLUNTBEAK

BELL PEPPER RASTA BUG

FISH HEAD CHEETAH SNAKE

CREEPY McGOOGLY-EYES

DOTHRAKI ARMOUR BALL

DEADLY KILLER CHICKEN

8-LEGGED NIGHTMARE

WHISKERED CARPET BALL

DUMBASS McSTUPIDFACE
"Lugi ako sa 8-pack abs mo!"

Matagal na ang kuwento ni Tarzan. 1912 ang unang taon na lumabas ang Tarzan of the Apes ni Edgar Rice Burroughs (na siya ring manunulat ng John Carter books), at mula noon, mahigit 200 na pelikula tungkol kay Tarzan ang naipalabas.

Medyo napapanahon ang paglabas ng pelikulang ito, dahil ang mga bagong manonood ay wala na yatang idea kung sino si Tarzan. Ang kilala nila malamang ay ang mga "Me Tarzan, you Jane" type ng wild man, o 'di kaya ang patawang Starzan ni Joey de Leon ("Cheetae, ganda lalake"... "Ulul, sinungaling, pangit"). Ang isang upside ng walang-tigil na pag-remake ng Hollywood ng mga lumang literary classic ay ang pagpapakilala ng mga gawang ito sa bagong henerasyon.

Si Tarzan (Alexander Skarsgård) ay isang edukadong nobleman na nagngangalang John Clayton, Earl of Greystoke. Lumaki siya sa kagubatan sa pagaalaga ng mga gorilla, at dito siya namuhay bilang hayop at naging lord of the jungle. Bumalik siya sa sibilisasyon sa Ingglatera para mamuhay bilang tao kasama ang asawa niyang si Jane (Margot Robbie), ngunit sa paguudyok ng isang Amerikanong si George Washington Williams (Samuel L. Jackson) ay bumalik siya sa Africa para pabagsakin ang rehimen ng imperial Belgium sa Congo. Ngunit pagdating niya sa Africa, hinahanap pala siya ng kontrabidang si Leon Rom (Christoph Waltz), na nakipagkasundo kay Chief Mbonga (Djimon Hounsou) para sa ulo ni Tarzan kapalit ng mala-tawas na diamonds. Nahuli ni Rom ang mag-asawang Clayton, pero nakatakas si Tarzan. Si Jane nalang ang naiwang hostage, at ang huli ng pelikula ay ang pagligtas ni Tarzan sa kanyang asawa. Ang maganda rito ay hindi ipinakita si Jane bilang damsel-in-distress, kundi isang matapang at strong-willed na babae na karapat-dapat nga na maging Mrs. King of the Jungle.

"Boner mo ba 'yan, Tarzan?"

Si Tarzan ay isa sa mga "feral child" template ng literature, katulad ni Mowgli ng The Jungle Book. Itong version na ito ni David Yates ay sinasabing "the most accurate Tarzan film ever made", at isa sa mga dahilan nito ay ang pagsasalita ni Tarzan ng diretso at hindi barok. Hindi talaga ako fan ng Tarzan franchise, pero lumaki ako na kilala siya. Madalas kong gayahin ang kanyang iconic na sigaw n'ung bata ako, at natuwa ako na maririnig ang sigaw na ito sa pelikula (not once, but twice).

Maganda ang pelikulang ito para sa lahat ng klaseng audiences. Okay ito para sa mga matatanda, dahil ibang version ito sa ating nakasanayan dahil sa kanyang accuracy. At okay din ito sa mga bata, para makilala naman nila si Tarzan bilang isang classic literary character na kung tutuusin ay mayroong ibubuga sa mga modern superheroes ngayon.

"Bakit napakaitim mo?"



The Legend of Tarzan. USA. 2016.



Original na rating: 7.9/10
Cameo ni Ben Chaplin: +0.1
Walang Margot Robbie nudity: -0.1
Astig na vine-swinging ni Tarzan: +0.1
Parating pagka-kontrabida ni Christoph Waltz: -0.1
Pagkapareho ng boses ni Alexander Skarsgård at ng kanyang ama: +0.1
Final na rating: 8.0/10
HBO
"Aray... ipantay mo ha!"

Q: Ano ang tawag sa akusadong hindi um-attend ng kanyang paglilitis?
A: Slippery bitch.

HBO
"I know, right?"

Ang lupit mo, Mareng Cersei. Slow clap. Ikaw nga talaga ang the son Tywin Lannister never had. Pero sige, nanalo ka ngayon. Napatay mo ang marami sa mga kalaban mo sa King’s Landing. Deads na si Margaery Tyrell. Si High Sparrow. Si Kevan Lannister. At iba pa. Hindi lang 7 in one blow; more like 700 in one blow. Galing.

HBO
Kaboom.

Wala sa konsepto mo, Queen Cersei, ang salitang “trabaho lang”. Namemersonal ka e. Pero anong kapalit naman nito? Patay na rin si Tommen. Dahil sa’yo. Yes, nakuha mo ang Iron Throne. Pero masakit sa puwit, ‘di ba? Buti nga sa’yo, punyeta ka.

HBO
"Maester, pakilagyan nga ng unan. Thanks."

Speaking of Lannisters, parang si Ser Jaime nalang ang natitirang honourable Lannister. Oo, mayroon siyang history ng kingslaying, pero mukhang gusto naman niyang ma-redeem. Of course, si Tyrion din naman ay may honour, pero mayroon din siyang pagka-slippery, kasi magaling siyang pulitiko. Kaya rin niya deserve ang pin ng Hand of the King.

HBO
"Alam mo bang may mga fan theory na magkamag-anak daw tayo?"

Ano ba ang problema sa honourable men? Si Ser Davos Seaworth ay isang honourable man. Si Jon Snow ay isang honourable man. Ang mga honourable men, hindi tumatanaw ng utang na loob. Kahit pa malaki ang naitulong ni Melisandre sa labanan noong Episode 9, kahit pa si Melisandre ang may kagagawan ng muling pagkabuhay ni Jon Snow, tinabla pa rin siya nina Snow at Seaworth dahil siya ay masamang aswang. Ang honourable men sa Westeros ay bihira, at madalas sila’y namamatay din.

HBO
"Mas matangkad na pala ako sa'yo, Kuya Jon."

Kahit sandali lang ang screen time ng pamilyang Tarly, interesting ito kasi ito ang unang beses na pinakita ang the Citadel. Ang tanong lang ay kung may mas malaking part pa ba si Samwell Tarly at ang kanyang pagiging maester sa hinaharap? Sana naman, dahil sayang ang vast stores of knowledge sa library ng Citadel.

HBO
Muntik nang malimutan ni Sam na naghihintay sa labas ang mag-ina niya.

Hindi lang isa ang bitch throne sa Westeros. May iba pang mga bitch bukod kay Cersei. Si Lady Olenna Tyrell, simple lang siya, pero bitch din ‘yan. Parang lola na bitch. ‘Yung Sand Snakes, mga annoying bitches lahat ‘yan.

HBO
"Sino pinaka-bitch sa aming lahat?"

Si Arya Stark din pala ay isang bitch. Bitch na marunong mag-disguise at magaling pumatay. Deadly combination ito. So I guess patay na talaga ang sweet little girl na si Arya Stark, dahil ang lumaslas sa leeg ni Walder Frey ay hindi na si Arya Stark. Siya ay isang cold-hearted killer.

HBO
"Nagaaral lang ako mag-caregiver, hold still!"

Si Sansa Stark, kahit Stark ‘yan, may pagka-bitch din ‘yan. Sa lahat ng mga anak ni Eddard Stark, siya ang pinakamagaling maglaro ng Game of Thrones. Alam niya ang pamumulitika. Alam niya ang galawan ng mga iba pang players. Actually, pwede naman siya ang susunod sa line of succession ng King in the North, pero mas gusto ko talaga si Lyanna Mormont. Small but terrible e.

HBO
"Lahat ng miyembro ng fan club ko, please stand up."

Si Queen Daenerys, bitch din ‘yan. At finally, dadalhin na niya ang buong khalasar niya sa Westeros, kasama ang dragons niya. Kasama rin niya rito si Yarra Greyjoy, na alam naman natin na isa ring bitch. So I guess we can expect na ang Season 7 ay magiging season of bitch fighting.

HBO
At saka dragons.

At finally, salamat kina George R.R. Martin, David Benioff, D.B. Weiss, at sa warging ni Bran Stark, nasagot na rin ang ating matagal na nating gustong malaman. Si Jon Snow nga ay anak ni Lyanna Stark. Pero hindi pa rin explicitly sinasabi na si Rhaegar Targaryen ang tatay. Well, hindi rin naman explicitly sinabing si Jon Snow ang baby na kinuha ni Ned Stark. Pero magkasunod ang shot ng baby at mukha ni Jon Snow; hindi lang ito random shot placement ng direktor. Sa language ng cinema, may ibig sabihin ito, at parang may idea na tayo kung kanino nga ba ang “song of ice and fire”.

HBO
"Walang'ya, Lyanna... hindi ako marunong magpalit ng lampin."
Boo.

Ang maganda sa pelikulang ito ay hindi mo kailangan na mapanood ang Part I para maintindihan o ma-appreciate itong sequel. Ako, hindi ko napanood ang unang pelikula, pero tingin ko hindi naman madaragdagan ang takot ko sa sequel kung napanood ko ang Part I.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa patuloy na adventures ng mag-asawang ghostbusters na sina Ed Warren (Patrick Wilson) at Lorraine Warren (Vera Farmiga). Ngayon nagpunta sila sa England para imbestigahan ang Enfield poltergeist nagpapahirap ng buhay ng single mother na si Peggy Hodgson at ang kanyang apat na anak. Sa huli, happy ending naman ito, meaning walang namatay, at napuksa ang poltergeist.

Sa aking pagkakaalala, ang poltergeist ay isang unseen force na ang manifestation ay ang paggalaw ng mga bagay-bagay. So isa lang itong malisyosong espiritu at wala dapat itong mukha. Pero sa pelikulang ito, may mukha siya, at ito ay ang mukha ng isang matandang lalaki na namatay sa upuan niya. Pero sino ba talaga ang poltergeist? 'Yung matandang lalaki, o 'yung demonyong madre na nakakatakot?

Maayos naman ang pagkaka-direct ni James Wan dito. Bagamat kilala siya sa genre na horror, mayroon din siyang ginawa sa ibang style, tulad nalang ng Furious 7, na isang action movie tungkol sa horrors ng high-speed racing. Bukod sa magandang production design, na 1970s talaga ang feel, magaling din ang paggamit ni Wan ng subtlety sa pananakot. Ang ibang mga nakakatakot na eksena sa pelikula ay ang gumagalaw na toy truck, ang play tent ng mga bata, at ang Crooked Man.

Ang pelikulang horror ay hindi na gaanong nakakatakot kapag inulit ito. At dahil medyo nabitin ako (hindi dahil nagkulang, kundi dahil I want more), baka panoorin ko ang naunang pelikulang The Conjuring, na ayon sa mga nabasa ko ay isang magandang horror film na mas nakakatakot pa yata kaysa rito.

Boo ulit.



The Conjuring 2. USA. 2016.



Original na rating: 7/10
Walang Vera Farmiga nudity: -0.1
Biglang pagbanat ng kanta ni Elvis Presley: -0.1
Pagka-adorable ng pagbanat ng kanta ni Elvis: +0.1
Setting sa England: +0.1
Effective na pagka-stand-alone ng pelikula: +0.1
Based sa true story: +0.1
The Crooked Man: +0.1
Final rating: 7.4/10
"Parang bad idea ang pag-sign up ko rito, a."

Dapat ang pagiging absent ni Will Smith ay naging unang clue na hindi niyo na dapat ito panoorin. Hindi ko alam kung hindi niya nagustuhan ang script, o kung mayroon siyang prior commitments, o kung hindi nakayanan ng producers ang talent fee niya. Pero either way, it's not a good sign.

It seems na ang primary na dahilan ng Hollywood sa pagtuloy o pagbuhay sa mga lumang franchise ay para ma-introduce ang franchise sa whole new generation. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng remake (Teenage Mutant Ninja Turtles), reboot (Total Recall, Ghostbusters), o sequel (Star Wars: The Force Awakens). Ang Independence Day: Resurgence ay masasabing isang sequel ng naunang 1994 na pelikulang Independence Day, na tatawagin natin sa kaniyang abbreviation na ID4. Para sa akin, sana hindi na nag-abala ang direktor na si Roland Emmerich dahil napakaganda na ng ID4 at hindi na ito nangangailangan ng sequel.

Ang ID4 kasi ay hindi na talaga nagbigay ng room for a sequel. Ang naging kwento ng unang pelikula ay "aliens come to Earth, humanity stands up, humanity blows up alien mothership, Earth wins". Paano mo ito gagawan ng sequel? Babalik ang aliens at gagawin ulit ang ginawa nila tapos mananalo uli tayo? Parang hindi na. Okay na ang ID4 as a stand-alone film. Halatang pinilit nalang nila itong pigaan ng sequel.

Ang isang magandang example ng sequel in recent years ay ang How to Train Your Dragon 2. Pinaliwanag ng direktor nito na si Dean DeBlois kung ano ang naging inspirasyon niya in terms of sequel-making, at ito ay ang The Empire Strikes Back. Sabi niya:

The Empire Strikes Back always struck me as a movie that took everything about a world and made it deeper and richer tonally. That was what I was after — that sense of fun and increased scope and richer characters and larger stakes. Our film seemed as though it occupied a world where there is more story to be told and more questions to be answered.

Ayun dapat ang nangyari rito. Palawakin ang mundo. Hindi lang "copy the plot of the original film". Kailangan ma-explore mo pa ang mundo ng naunang film at palawakin o palalimin ito. Sa pelikulang ito kasi, halos inulit lang ang plot ng original. Ang pagpapalawak pa sa film na ito ay sa pangatlong pelikula pa yata, kung saan may hint daw ng "interstellar travel". Sana nga.

And on that note, I guess pumalpak din bilang sequel ang The Force Awakens. Pero sa ibang review nalang iyon.

"So hindi na ba talaga ito maisasalba?"



Independence Day: Resurgence. USA. 2016.



Original rating: 6/10
Pagkawala ni Will Smith: -0.1
Pagsalba ni Jeff Goldblum: +0.1
Pagkatuyot at pagka-haggard ng ka-love team ni Jeff Goldblum: -0.1
Comic relief ng kasama ni Liam Hemsworth: +0.1
William Fichtner: +0.1
Angelababy: +0.1
Acting ni Bill Pullman: +0.1
Pagpilit ni Bill Pullman sumakay ng spaceship: -0.1
Final rating: 6.2/10
HBO
"I still know nothing."

War, war, war. Ang tema ng episode na ito ay digmaan.

May digmaan sa Meereen, kung saan pinagbo-bomba ng mga Masters ang malaking pyramid. Pero mabilis din napuksa itong threat na ito, dahil siyempre: dragons. At of course, ang bagong khalasar ni Daenerys. Pero dragons.

HBO
How to train your dragon... na pumatay.

May isa pang naval battle na napipinto, pero nasa planning stage pa lang. Ito ang pag-reclaim sa Salt Throne ng mga taga-Iron Isles. Ang alyansang Targaryen-Greyjoy ay mukhang may promise, at sana magtagumpay sila sa pagtalo sa usurper na si Euron Greyjoy. At saka sana matuloy din ang Daenerys-Yarra lesbian sex romp.

HBO
"O, baka maglaplapan kayo sa harap ko ha."

Pero ang pinaka-highlight na giyera rito ay ang Battle of Winterfell. Bastard kontra bastard. Ay mali, legitimised na pala si Ramsay Bolton, na dating Ramsay Snow. Anyway, ang lumabas pala na pinaka-bida sa digmaang ito ay hindi si Jon Snow. Hindi rin si Ser Davos Seaworth, hindi si Tormund Giantsbane, at hindi rin si Giant (hindi ko alam ang pangalan niya e, so Giant nalang siya). Ang bida rito ay isang babae. Nope, hindi si Lyanna Mormont, kasi hindi naman talaga siya lumaban. Ang tinutukoy ko ay si Sansa Stark. Tama ang lahat ng sinabi ni Sansa tungkol sa kalaban. Huwag daw umatake sa Winterfell hanggang may mas malaking puwersa. Pigilin daw ang sarili na bumigay sa mga taunt ni Ramsay Bolton. Kung sinunod lang sana ang kanyang mga suggestion, baka hindi gaano kalaki ang nawala sa pwersa ng mga Stark.

HBO
At kung sinunod sana ni Rickon Stark ang "serpentine"...

Anyway, naka-quota na yata sina Messrs. Benioff, Weiss, (at Martin) dito sa episode na ito. Rest in peace, Rickon Stark. Rest in peace, Giant. At rest in peace, Ramsay Bolton. Masunog sana ang kaluluwa mo sa impyerno.

HBO
Ramsay Bolton: Bagong model ng Pedigree dog food.
"Ako naman bida ngayon, ha."

Noong nakaraang taon, dalawang pelikula ang nilabas ng Pixar (Inside Out at The Good Dinosaur). Next year, dalawa rin ang ilalabas nila. Ngayong 2016, isa lang ang pelikula nila, at ito ang Finding Dory.

Ang Finding Dory ay sequel ng pelikulang Finding Nemo na nilabas ng Pixar noong 2003. Actually, maaring title sana ng pelikulang 'to ay Finding Nemo 2, dahil obviously, part 2 ito ng Finding Nemo. At saka sa pelikulang ito, hindi lang naman si Dory (Ellen DeGeneres) ang nawawala; narito muli ang cute na si Nemo at ang kanyang worrywart na tatay na si Marlin (Albert Brooks). Sa simula, magkakasama silang tatlo. Tapos maya-maya, nahiwalay sa mag-ama si Dory, so nagsimula silang hanapin siya. Pero 'di nila alam, hinahanap din pala sila ni Dory. So basically, naghahanapan silang lahat.

Maari ring pamagat ng pelikulang ito ay Finding Dory's Parents, kasi ang dahilan naman kung bakit sila nagkahiwa-hiwalay ay dahil hinahanap ni Dory ang kanyang magulang, at hindi sila nagkasundo sa method ng paghahanap. Teka, baka iniisip niyo siguro, bakit naaalala ni Dory ang kanyang magulang? Akala ko ba may short-term memory loss siya? Well, si Dory na kasi ang bida rito. Hindi na siya background character lang. At dahil bida na siya, mas fleshed out ang kanyang kuwento. At siyempre, ang magulang natin ay bahagi ng ating childhood memories, na malamang ay nag-seep in na sa kanyang long-term memory bank. And of course, kailangan ng protagonist ng isang magandang conflict, at ang character na wala nang ibang naalala sa buhay niya ay walang conflict na maibibigay na hindi boring panoorin nang dalawang oras.

"Tilapia ba ako?"

Tulad ng unang pelikula, ang Finding Dory ay mayroon ding paglalakbay, at sa tulong ng cool surfer na pagong, napunta sila sa California sa Marine Life Institute, kung saan ang boses sa PA system ay si Sigourney Weaver (as herself). On the way, may mga na-meet silang mga bagong kaibigan, tulad ng mga petiks na sea lions na sina Fluke at Rudder (Idris Elba at Dominic West, a.k.a. Stringer Bell at Jimmy McNulty ng The Wire), ang baliw na ibon na si Becky, ang near-sighted na whale shark na si Destiny (Kaitlin Olson) na pipe-pal pala dati ni Dory noong bata (ang pipe-pal ay parang phone pal para sa mga fish in captivity), ang beluga whale na si Bailey (Ty Burrell), at ang adorable octopus (septopus?) na si Hank (Ed O'Neill), na hindi ko alam kung saan natuto mag-drive ng truck.

"Alis! Hindi ka naman lumabas sa The Wire!"

May dahilan kung bakit ang pamagat nito ay Finding Dory at hindi ang mga pamagat na binanggit ko kanina. Hindi lang ito tumutukoy sa physical search sa nawawalang Dory. Tumutukoy din ito sa paghahanap ni Dory sa kanyang sarili. Sa paghahanap ni Dory sa kanyang magulang, hinahanap din niya ang kanyang katauhan, ang kanyang pinanggalingan, at ang kanyang identity. In English, the movie is about Dory finding herself. At sa bandang huli, tagumpay naman ang kanyang paghahanap. Siya si Dory, anak nina Charlie at Jenny, best friend nina Nemo at Marlin, at isang isdang may short-term memory loss.



Finding Dory. USA. 2016.



Original rating: 7.5/10
Sonar powers ni Bailey: +0.1
Mas maraming man-made backdrops kaysa sa ocean vistas: -0.1
Camouflage powers ni Hank: +0.1
Final rating: 7.6/10
"Sisikat din ako sa USA tulad nina Idris at Chiwetel."

Hindi naman tayo dumaan sa karanasan ng mga egoy, pero bakit kaya ang lakas ng affinity ng Noypi sa mga African-American?

Ang mga African-American (tatawagin ko nalang silang egoy, kasi mas madaling i-type) ay hinugot mula sa Africa, kung saan sila na-kidnap mula sa mga pamilya nila, pinasakay sa barko na siksikan sa ilalim na parang cargo lang sila, dinala sa Amerika, binenta bilang alipin, at pinagtrabaho nang sapilitan sa mga plantation ng mga mayayamang puti.

First year high school pa lang ako, alam ko na ang kwento ng Roots (Hindi The Roots ha, banda 'yun sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon). Mahilig kasi ako magbasa dati (ngayon hindi na gaano, pero gusto ko ibalik ito), at lahat ng mga libro ng magulang ko inisa-isa ko. Elementary pa lang ako, nabasa ko na ang The Catcher In the Rye, kaya pagpasok ko n'ung high school, napakayabang ko dahil ang required reading sa English subject namin ay nabasa ko na noong grade school habang tumatae. Pero hindi 'yun ang point ko. Ano nga ba 'yun? Nalimutan ko na.

"Lo diyes, motherfuckers."

Ayun, naalala ko na. Dumating pala sa isang point na nabasa ko na halos lahat except 'yung mga pangit ang cover at 'yung mga punit-punit na. So sabi ko sa sarili ko, "Sige na nga, don't judge a book by its cover, 'di ba?" Ang una kong kinuha ay isang medyo makapal na libro na sobrang gutay-gutay na, nahati na ito sa dalawa, 'yung tipong napunit sa spine 'yung libro. Nakasulat sa cover, Roots: The Saga of an American Family by Alex Haley. Sinimulan ko ang libro sa chapter 1, at mula nang makilala ko si Kunta Kinte, hindi ko na binaba ang libro hanggang matapos ko ito.

Si Kunta Kinte (Malachi Kirby) ay isang Mandinka warrior mula sa Africa at ninuno ng author na si Alex Haley (Laurence Fishburne). Kinidnap siya mula Africa at napadpad siya sa plantation na pagmamay-ari ng isang puti na ang apelyido ay Waller (James Purefoy, sa isa na namang evil role). Naging kaibigan niya rito si Fiddler (Forest Whitaker na inaantok pa rin ang isang mata), at napangasawa niya si Belle Waller. Nagka-anak sila na si Kizzy, na siya namang binenta sa ibang massa ("master" sa salitang egoy) na ang pangalan ay Tom Lea (Jonathan Rhys Meyers, sa isang napakagandang performance). Ni-rape ni Massa Tom si Kizzy, at nagka-anak sila na si George Lea (Regé-Jean Page, sa isa ring magaling na performance). Dahil sa kulturang slavery, alipin pa rin ang tingin ni Massa Tom kay George, pero hindi naman mapagkakailang anak niya ito dahil namana ni George ang hilig ng tatay niya sa sabong, kaya siya nabansagang "Chicken George". Sa aklat na original source material, tuloy-tuloy ang kwento mula sa Africa hanggang kay Alex Haley, pero sa adaptation na ito ng History Channel, huminto sila sa anak ni Chicken George, na nagkataon namang natapat sa panahon ng emancipation ng mga slaves.

Malamang iba sa inyo ay nagtataka bakit ang mga African-American ay mga kakaibang pangalan, at ang mga British na egoy ay may mas African-sounding name. Isa sa mga dahilan nito ay ang Roots.

History
Ang "LL" ay tinatak sa Africa; sa Amerika idaragdag ang "Cool J".

Ang mga British na egoy tulad nina Idris Elba at Chiwetel Ejiofor ay may mga pangalang 'di mapagkakailang African. Bakit? Kasi sila ay mga second-generation immigrants; mga magulang nila ay galing Africa. Ang mga African-American naman, sila ay descendants ng mga dating alipin sa mga plantation. Ayaw na ayaw ng mga massa na may maiwan pang African legacy ang mga alipin nila, kaya pinagbubura nila ang mga pangalang "Kunta Kinte" at pinalitan nila ito ng mga English names tulad ng "Toby". Ngunit pagdating ng civil rights movement noong 1960s, kung saan aktibong nakilahok sina Martin Luther King, Malcolm X, at Alex Haley, nagkaroon ng reawakening para sa all things African. Nauso ang pagbibigay sa mga sanggol ng mga African o Muslim/Arabic names tulad ng Jamal, Abdul, Kareem, Rashad, Kenya, Zulu, Shaquille, Ali, and Hakeem. At ayan ang dahilan kung bakit ang mga African-Americans ay mayroong mga exotic first names (na pahirapan kung i-spell) at English surnames.

Kahit hindi naman talaga tayo nagkaroon ng kulturang pang-aalipin, bilang mga Pilipino, maganda rin na malaman natin ang kultura ng pang-aapi mula sa mga Western nations. Ang Pilipinas ay naging subject ng mga bansang Espanya at Amerika, at kahit hindi naman tayo naging pagmamay-ari bilang tao, tayo naman ay naging pagmamay-ari bilang bansa. Hindi ito ang unang screen adaptation ng Roots (may nauna pa noong 1977), pero ganoon pa man, ang mga tema nito ay naangkop pa rin sa panahon ngayon. Ang pangalang "Kunta Kinte" ay isang household name para sa mga African-American kids–ginamit pa nga ito ni Missy "Misdemeanor" Elliot sa lyrics ng kanta niyang "Work It"–at sana ganito rin kalakas ang respect for cultural identity nating mga Pinoy.

At saka nga pala, hindi talaga ako mahilig sa mga palabas ng History Channel. Malakas talaga ang preference ko para sa mga gawa ng HBO at BBC. Pero para sa isang History Channel production, ang masasabi ko lang sa Roots ay, "Hmmm... pwede na."

NOT IN PICTURE: Kamay ni T.I.



Roots. USA. 2016.



Original na rating: 6.0/10
Hindi pagtuloy-tuloy mula Kunta Kinte hanggang Alex Haley: -0.1
T.I. bilang Cyrus: +0.1
Mas maraming eksena sa Africa: +0.1
Performance ni Jonathan Rhys Meyers: +0.1
Hilig ng mga egoy sa sabong: +0.1
Huling rating: 6.3
Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato