Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Review: Ghostbusters, o Ganito ang Tamang Pag-Reboot

Girl power.

Una sa lahat, fanboy ako ng original. N'ung Grade 2 ako, nagdro-drawing ako ng Ghostbusters para sa mga kaklase ko for P5.00 per drawing.

Hindi ko maintindihan kung bakit andaming haters ng bagong Ghostbusters. Ito na yata ang most disliked video sa YouTube. Pero ano nga ba ang dahilan nila sa pag-dislike? Dahil ba ayaw nila ang all-female cast? O dahil ayaw nilang galawin ng Hollywood ang original franchise?

Itong 2016 Ghostbusters ay isang reboot ng original 1984 film ni Ivan Reitman, pero kahit hindi ka fan ng original film at ng sequel nito (at ng animated series) ay maa-appreciate mo naman ang efforts ni director Paul Feig at ng female ensemble cast. Hindi ito tulad ng mga Marvel reboot ng Spider-Man na ginawa dahil hindi sila nasiyahan sa unang trilogy ni Sam Raimi. Ito ay isang legitimate reboot na ang intention ay ipakilala ang Ghostbusters sa bagong henerasyon ng moviegoers.

At ipakilala ang Ecto-1 bilang proof na pwede maging cool ang karo ng patay. 

Ang ginawa ng filmmakers dito ay "transposition", isang bagong film theory na aking dine-develop at idi-discuss sa separate post. Ibig sabihin, hindi ito one-is-to-one adaptation ng original source material into a feminine mold. Allow me to explain.

Si Erin Gilbert (Kristen Wiig) ay hindi direct equivalent ni Peter Venkman, dahil hindi naman douchebag si Gilbert tulad ni Venkman. Ang pagkakapareho lang siguro nila ay pareho silang may Ph.D. at pareho silang malandi. Si Abigail Yates (Melissa McCarthy) ay hindi direct equivalent ni Ray Stantz, dahil si Yates ay medyo loud at si Stantz ay ang quiet type. Si Jillian Holtzmann (Kate McKinnon) ay hindi direct equivalent ni Egon Spengler, bagaman kapareho niya ang hairstyle ng cartoon version ni Egon. Si Spengler ay weird in a nerdy way, tulad ng pagkolekta niya ng spores, molds, and fungus, habang si Holtzmann ay super-weird-in-an-attractive-way na mahilig sa heavy machinery, at mas kenkoy kaysa sa medyo reserved na si Egon. Si Patty Tolman (Leslie Jones) ay hindi direct equivalent ni Winston Zeddmore, dahil sa original film, parang sidekick lang talaga si Winston at wala gaanong backstory, habang mas developed ang character ni Patty at mas major ang kaniyang interaction with the team. Ang pagkakapareho siguro nila ay they're both black and not scientists. At siyempre, si Kevin (Chris Hemsworth) ay hindi direct equivalent ni Janine Melnitz, kasi 'di hamak naman na mas matalino si Janine kaysa sa bobong eye-candy ni Hemsworth.

"Take that, critics!"

Ang mga pelikulang ganito ay nangangailangan ng isang solid antagonist, at hindi ito si Chris Hemsworth. Sinapian lamang siya ni Rowan (Neil Casey) na siyang main villain dito. Pero hindi gaanong effective ang villainy ni Rowan dahil ang character niya ay hindi talaga konektado sa grupo. Sa original movie, ang true villain ay ang metaphysical spirit na si Gozer, at ang kanyang manifestation ay si Zuul "the Gatekeeper" na sumapi kay Sigourney Weaver na love interest ni Peter Venkman. Mukhang mas effective sana ang pagkakaroon ng isang metaphysical villain kaysa sa isang flesh-and-blood human antagonist tulad ni Rowan, dahil ang pinakakalaban talaga ng Ghostbusters ay ang unknown evils of the spirit world.

Sa isang reboot, ang goal mo is to create new fans without alienating the old ones. At iyan ang dahilan kung bakit napakaraming references to the original, tulad ni Stay Puft Marshmallow Man at ni Slimer. Mayroon ring mga re-designed equipment ng mga proton packs at traps. At mayroon ding basbas ng original cast, dahil lahat sila, except for the late Harold Ramis at Rick Moranis, ay may speaking cameo sa pelikulang ito.

Bilang isang reboot, tagumpay ang pelikulang ito. Marami ang laugh-out-loud moments, at masayang movie experience siya para sa mga bago at lumang fans na lalabas sa sinehan na may Ghostbusters hangover. Bilang simula ng bagong franchise, ibang usapan na 'yun, pero mukhang malaki ang pag-asa ng sequel. Personally, gusto ko pa ng more Jillian Holtzmann.

Kate McKinnon: bagong girl-crush ng bayan.



Ghostbusters. USA. 2016.



Orihinal na rating: 8/10
Kristen Wiig: +0.1
Kate McKinnon: +0.2
Cameo ng original cast: +0.1
Charles Dance a.k.a. Tywin Lannister: +0.1
Cameo ni Ozzy Osbourne: +0.05
Pagsayaw ni Holtzmann ng "Rhythm of the Night": +0.05
Zach Woods ng Silicon Valley: +0.05
Matt Walsh ng Veep: +0.05
Michael Kenneth Williams a.k.a. Omar ng The Wire: +0.05
Final na rating: 8.75/10

0 comments :

Review: Alice Through the Looking Glass, o Sa Title Lang Nagkapareho ang Pelikula at Libro

"Parang out pa rin 'yang Chinese dress mo kahit sa Wonderland."

Para sa mga fans ng original literary work ni Lewis Carroll na Through the Looking Glass (And What Alice Found There), kalimutan niyo na – itong pelikulang ito ay hindi adaptation ng libro na 'yun.

In fact, bukod sa pamagat, ang pagkakapareho lang ng libro ni Carroll sa pelikulang ito ay si Humpty Dumpty. At ang mga chess pieces. At ang looking-glass insects. At ang pagpasok ni Alice sa salamin. Ayun lang. 'Yung malaking chess game? Waley. 'Yung sasakay si Alice sa tren? Waley din. The lion and the unicorn? Waley talaga. So ayun.

Isa sa mga problema ng franchise na ito ay na-condense na nila ang adaptation sa unang pelikula na Alice in Wonderland noong 2010. Halimbawa, ang tula na "Jabberwocky" ay nasa pangalawang libro, pero lumabas ang creature sa unang pelikula pa lang. Ganoon din sina Tweedledum at Tweedledee; wala sila sa unang libro, pero naroon na sila sa unang pelikula. So basically, sinira na nila ang narrative noong 2010 pa lang, kung kaya naman totally unrecognisable na ang kwento sa bagong pelikula.

So ano ang kwento nitong Alice Through the Looking Glass kung malayo na ito sa kwento ng libro? Well, since winalang-hiya na nila ang original source material, naisip siguro nila na might as well dalin na nila sa totally different direction ang pelikula. At ang direksyon na iyon ay... science fiction. Specifically, time travel. Labo, 'di ba?

So dito sa direct sequel ng 2010 film, you can tell a lot about the film base sa iisang character lang, at ito si Father Time (Sacha Baron Cohen). Una, si Father Time ay hindi naman character sa libro ni Lewis Carroll, which means they took the liberty na tumahak na sa totally different direction. Pangalawa, ang pagkakaroon ng isang time lord sa pelikulang ito ay ang cue na may time travelling na magaganap dito.

"BAKET ANLABO NG PELIKULANG 'TO?"

Ang orihinal na libro ay totally new adventure para kay Alice (Mia Wasikowska), dahil siya ay nasa totally ibang mundo, hindi na sa Wonderland. At dahil ibang mundo na ito, iba na rin ang cast of characters dito. Pero dahil nga binale-wala na ng filmmakers ang source material, hindi na rin sila tumahak ng panibagong direksyon at kumuha ng bagong cast, maliban kay Baron Cohen at Rhys Ifans bilang tatay ng Mad Hatter. Naroon pa rin ang Cheshire Cat (Stephen Fry), ang big-headed Red Queen (Helena Bonham Carter), ang hindi naman pala mabait na White Queen (Anne Hathaway), ang mga hayop sa Tea Party, at siyempre, ang Mad Hatter (Johnny Depp) na siyang pinag-basehan ng kwento ngayon.

Sa lahat ng mga adaptations ng Alice books ni Lewis Carroll, ito na marahil ang pinakatumaliwas sa source material. Ang genre ng literary nonsense ay natumpok ni Carroll, at sana ito na rin ang direksyon na tinahak ng filmmakers (ang direktor pala nito ay si James Bobin; si Tim Burton ay isa sa mga producer). Ang maganda sa mundo ni Alice ay ang pagiging dream-like nito, dahil ang mga scenario at pangyayari ay talagang non-sensical at malabo. Hindi naman kailangan ng back story ng Mad Hatter, at hindi na rin mahalaga na maintidihan natin ang history ng Red at White Queens. Pero siyempre, mas malaki ang box-office draw nina Depp at Hathaway, kaya kinakailangan lumabas sila muli sa sequel.

Ang isang dream o whimsical o surrealist work of art ay mukhang walang sense at structure at first glance. Pero sa in-depth analysis makikita na ang pagiging surreal nito ay grounded pa rin sa reality. Kaya nais ko lang i-raise ang dalawang point na ito: Una, ang steampunk motif ng mundo ni Father Time ay medyo hindi naangkop sa period kung saan naka-set ang pelikula, lalong-lalo na ang time-travelling unicycle ni Alice. Pangalawa, sa historical period na ito, hindi makatotohanan na ang kapitan ng isang barko ay babae. Sorry.

Medyo nakakabahala ang ginagawang ito ng Disney. Para silang nanloko ng mga manonood, tipong "false advertising" kumbaga. Ang dating ay parang nag-announce sila na "Hey, gagawa kami ng pelikula ng Through the Looking Glass!" Sa announcement pa lang na iyon, nakuha na nila ang market na 1) mga fans na nasiyahan sa unang film at gustong mapanood ang sequel para makita kung maa-adapt ito ng Disney nang tama; at 2) mga fans na hindi nasiyahan sa unang pelikula at gustong mapanood ang sequel para makita kung maa-adapt ito ng Disney nang tama. Either way, nagoyo tayo ng Disney, at may danger na abusuhin itong trend na ito sa paga-adapt ng mga works in the public domain. Huwag naman sana.

"Ayaw na namin ng Part Three!"



Alice Through the Looking Glass. USA. 2016.



Orihinal na rating: 5.5/10
Huling voice-over ni Alan Rickman: +0.1
Time travel: +0.1
Pagtaliwas sa original source material: -0.2
Walang Mia Wasikowska nudity: -0.1
Johnny Depp sa isa na namang weird role: -0.1
Sacha Baron Cohen: +0.1
Final na rating: 5.4/10



RIP Alan Rickman


Basahin ang review ng naunang Alice in Wonderland.

0 comments :

The Internet Names Animals – Pinoy Wildlife Edition

Nakita ko itong link na ito noong isang linggo, at tawang-tawa ako sa kalokohan ng netizens. Actually, n'ung ni-research ko kung saan ito nagsimula, mas natawa ako.

Noong March ng taong ito, naglabas ang United Kingdom ng bagong barkong pam-polar research, at nagsagawa sila ng poll para sa magiging pangalan ng barko. Siyempre, tinanong nila ang Internet, na isang malaking pagkakamali, dahil ang netizens ay maraming kalokohan.

Ang nanalong pangalan para sa barko ay "Boaty McBoatface", pero dahil nga tunog pa lang, kalokohan na, hindi sinunod ng British government ang gusto ng mga tao. Pinangalanan ang barko na RRS Sir David Attenborough, galing sa tanyag na naturalist na mas kilala bilang voice-over ng mga BBC documentary tulad ng Planet Earth.

Bilang pa-consuelo, pinangalanan naman ang isa sa mga research submarine ng barko na "Boaty", at natuto rin ang British government ng isang mahalagang lesson: Never let the Internet name things. Siyempre, hindi mapipigilan ang Internet na magbansag ng mga bagay-bagay, kaya nagkaroon na rin ng hashtag na #TheInternetNamesAnimals.

At dahil gusto ko makisakay sa bandwagon, kahit medyo late na, ito naman ang aking mga sariling pinangalanang mga hayop sa Pilipinas.

STAR MAP GALAXY FISH

SNUBNOSE McBLUNTBEAK

BELL PEPPER RASTA BUG

FISH HEAD CHEETAH SNAKE

CREEPY McGOOGLY-EYES

DOTHRAKI ARMOUR BALL

DEADLY KILLER CHICKEN

8-LEGGED NIGHTMARE

WHISKERED CARPET BALL

DUMBASS McSTUPIDFACE

0 comments :

Review: The Legend of Tarzan, o Bakit Angkop Pa Rin ang King of the Jungle sa Panahon Ngayon

"Lugi ako sa 8-pack abs mo!"

Matagal na ang kuwento ni Tarzan. 1912 ang unang taon na lumabas ang Tarzan of the Apes ni Edgar Rice Burroughs (na siya ring manunulat ng John Carter books), at mula noon, mahigit 200 na pelikula tungkol kay Tarzan ang naipalabas.

Medyo napapanahon ang paglabas ng pelikulang ito, dahil ang mga bagong manonood ay wala na yatang idea kung sino si Tarzan. Ang kilala nila malamang ay ang mga "Me Tarzan, you Jane" type ng wild man, o 'di kaya ang patawang Starzan ni Joey de Leon ("Cheetae, ganda lalake"... "Ulul, sinungaling, pangit"). Ang isang upside ng walang-tigil na pag-remake ng Hollywood ng mga lumang literary classic ay ang pagpapakilala ng mga gawang ito sa bagong henerasyon.

Si Tarzan (Alexander Skarsgård) ay isang edukadong nobleman na nagngangalang John Clayton, Earl of Greystoke. Lumaki siya sa kagubatan sa pagaalaga ng mga gorilla, at dito siya namuhay bilang hayop at naging lord of the jungle. Bumalik siya sa sibilisasyon sa Ingglatera para mamuhay bilang tao kasama ang asawa niyang si Jane (Margot Robbie), ngunit sa paguudyok ng isang Amerikanong si George Washington Williams (Samuel L. Jackson) ay bumalik siya sa Africa para pabagsakin ang rehimen ng imperial Belgium sa Congo. Ngunit pagdating niya sa Africa, hinahanap pala siya ng kontrabidang si Leon Rom (Christoph Waltz), na nakipagkasundo kay Chief Mbonga (Djimon Hounsou) para sa ulo ni Tarzan kapalit ng mala-tawas na diamonds. Nahuli ni Rom ang mag-asawang Clayton, pero nakatakas si Tarzan. Si Jane nalang ang naiwang hostage, at ang huli ng pelikula ay ang pagligtas ni Tarzan sa kanyang asawa. Ang maganda rito ay hindi ipinakita si Jane bilang damsel-in-distress, kundi isang matapang at strong-willed na babae na karapat-dapat nga na maging Mrs. King of the Jungle.

"Boner mo ba 'yan, Tarzan?"

Si Tarzan ay isa sa mga "feral child" template ng literature, katulad ni Mowgli ng The Jungle Book. Itong version na ito ni David Yates ay sinasabing "the most accurate Tarzan film ever made", at isa sa mga dahilan nito ay ang pagsasalita ni Tarzan ng diretso at hindi barok. Hindi talaga ako fan ng Tarzan franchise, pero lumaki ako na kilala siya. Madalas kong gayahin ang kanyang iconic na sigaw n'ung bata ako, at natuwa ako na maririnig ang sigaw na ito sa pelikula (not once, but twice).

Maganda ang pelikulang ito para sa lahat ng klaseng audiences. Okay ito para sa mga matatanda, dahil ibang version ito sa ating nakasanayan dahil sa kanyang accuracy. At okay din ito sa mga bata, para makilala naman nila si Tarzan bilang isang classic literary character na kung tutuusin ay mayroong ibubuga sa mga modern superheroes ngayon.

"Bakit napakaitim mo?"



The Legend of Tarzan. USA. 2016.



Original na rating: 7.9/10
Cameo ni Ben Chaplin: +0.1
Walang Margot Robbie nudity: -0.1
Astig na vine-swinging ni Tarzan: +0.1
Parating pagka-kontrabida ni Christoph Waltz: -0.1
Pagkapareho ng boses ni Alexander Skarsgård at ng kanyang ama: +0.1
Final na rating: 8.0/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato