Da Couch Tomato

An attempt at a new layout, with horrible glitches, and very minimal knowledge of HTML.

Random Thoughts: Saving Sally, o Napakaganda Lang Ni Rhian Ramos

"Wanna come with me and make tusok-tusok the fishball?"

*Ang Random Thoughts ay isang bagong style ng pag-review na aking susubukan para mabilis lumabas ang mga review ng blog na ito. Kasi masyadong time-consuming ang pagsulat ng isang proper review at hindi naman ako binabayaran para dito.

  • •Nice, may animated short film pa sa simula. Pumi-Pixar ang Metro Manila Film Festival.
  • •Ay, wait. Medyo chaka ang short film. Parang student project lang ng college student.
  • •Wow. A Filipino film na may live-action at animation. Finally.
  • •Una kong naalala na pelikulang ganito ay Mary Poppins (na ina-arkila pa namin dati sa Betamax). Tapos n'ung '80s, Who Framed Roger Rabbit? Tapos n'ung '90s, Space Jam. Tapos iba pang mga Looney Tunes films. Bakit sa Pilipinas, ngayon lang?
  • •Ganda talaga ni Rhian Ramos.
  • •Medyo nakaka-off talaga 'yung Taglish (or more accurately, Ingglisero) na dialogue. Parang hindi natural. Pa-konyo masyado. Pero that's just me.
  • •Consistent naman ang munduhan ng animation.
  • •Hello, Kuya Bodjie. N'ung bata ako, ikaw ang aking idea ng pagiging isang mabait na tao. Parang tingin ko sa'yo ay hindi marunong magalit at hindi gagawa ng masama. Sana mas marami ka pang pelikula at raket para hindi ka mamroblema sa pera, kasi ambait mo.
  • •Bakit parang hindi masyado evident ang pagtanda ni Sally at ni Martin? Dapat from high school to college, 'di ba? Parang ganoon pa rin sila katanda. Humaba lang buhok n'ung guy.
  • •Ten years in the making itong pelikulang 'to? E bakit parang hindi tumanda ang mga artista? Paano 'yun, ten years ago sinimulan na nila ang animation, tapos mga a year ago lang shinoot ang live action parts?

This is how UP Diliman look like on a normal day.



Saving Sally. Philippines. 2016.


Original na rating: 6.8
Animation: +0.2
Animation style: +0.1
Pa-conyo dialogu: -0.1
Final na rating: 7.0/10

0 comments :

Premium Blogspot Templates
Copyright © 2012 Da Couch Tomato